-- Advertisements --
Freedom beach Phuket
Freedom Beach in Phuket (photo from Travel Drink Dine)

CENTRAL MINDANAO – Nailibing na ang labi ni Noah Ibay II sa kanilang lugar sa Brgy. Sapad sa Matanog, Maguindanao base sa Islamic Muslim rites.

Dumating ang labi ni Ibay mula sa bansang Thailand matapos na masangkot ito sa isang trahedya noong July 17, 2019.

Darating naman anumang araw mula ngayon ang bangkay ni Angelo Cortez na kasama ni Ibay nang hampasin ng malakas na alon mula sa Freedom beach resort sa Phuket, Thailand.

Unang natagpuan ang bangkay ni Ibay noong July 17 habang noong July 21 naman nakita ang labi ni Cortez.

Bumuhos naman ang mga nakidalamhati sa libing ni Ibay lalo na ang kanyang mga kaibigan, mga kamag-anak, mga kasamahan sa trabaho at kababayan.

Maituturing na sadyang aksidente lamang daw ang nangyari sa mga biktima nang hampasin sila ng malalaking alon sa nasabing beach.