-- Advertisements --

Nakapagtala ang Metropolitan Manila Development Authority (MMDA) ng mas marami pang violators sa ikalawang araw ng implementasyon ng expanded number coding scheme na ipianpatupad sa National Capital Region.

Ayon kay MMDA Task Force Special Operations chief Bong Nebrija , nasa kabuunag 1,588 violators ang naitala noong Lunes.

Iniulat ni Nebrija na na-apprehend ng MMDA ang nasa 2,939 na sasakyan habang nasa mahigit 4,000 naman ngayong Martes.

Subalit pinagsabihan lang muna ang mga motorista at dirvers upang maipaalam na epektibo na ang expanded number coding sa rehiyon.

Sinimulan ng MMDA ang pagpapatupad ng expanded number coding scheme noong Lunes sa oras na 7am hanggang 10am at mula 5pm hanggang alas-8 ng gabi.

Ayon sa MMDA, hindi nila huhulihin ang mga violators mula Augist 15 hanggang 17 bagkus ay pagsasabihan lang muna ang mga ito subalit simula sa August 18 ay iisyuhan na ang mga ito ng tickets.

Inaabisuhan naman ang mga motorista na planuhin muna ang kanilang pagbiyahe at dumaan sa alternatibong ruta para maiwasan ang mabigat na daloy ng trapiko.

Sa ipinapatupad na number coding scheme, ang mga sasakyan na may plakang may numero na nagtatapos sa 1 at 2 ay ipinagbabawal sa araw ng Lunes, 3 at 4 naman sa araw ng Martes, 5 at 6 sa Miyerkules, 7at 8 sa araw ng Huwebes, 9 at 0 naman sa araw ng Biyernes.