-- Advertisements --

Nakatakdang bumalik na ang NBA sa China sa susunod taon.

Ito ang unang pagkakataon na isasagawa ng NBA ang mga laro mula noong 2019.

Nagbunsod kasi ang pagkansela ng laro sa China dahil sa tweet mula sa dating general manager ng Houston Rockets na si Daryl Morey na sinusuportahan nito ang pro-democracy protest sa Hong Kong.

Kahit na binura ni Morey ang tweet at nag-sorry na ito ay nagpasya pa rin ang China hindi isagawa ang mga laro ng NBA sa kanilang bansa.

Kilala ang basketball sa China kung saan malaki ang lugi ng NBA ng hindi ipinalabas ang basketball sa mga telebisyon sa nabanggit na bansa.

Sinabi ni deputy commissioner Mark Tatum na mayroong dalawang laro ng Brooklyn Nets at Phoenix Suns sa Sand’s Venetian Arena sa Macau sa Oktubre 10 at 12, 2025.

Ang Macau kasi ay special administrative region sa ilalim ng “one country, two system” framework ng China.