-- Advertisements --

Kinansela ng Philippine Basketball Association (PBA) ang mga laro ngayong linggo mataposilagay sa Alert Level 3 ang Metro Manila dahil sa pagtaas ng kaso ng COVID-19.

Muli kasi sanang itutuloy ang mga laro ng 2021 PBA Governor’s Cup sa Miyerkules.

Nagsumite na ang PBA ng sulat sa Games and Amusement Board (GAB) ukol sa nasabing usapin.

Kailangan din aniya ng approval mula sa local government units (LGU) na siyang magiging host ng mga laro.

Kabilang din na nakansela ang mga full-team practices at ibalik ng bawat koponan ang small groups subalit walang mga exhibition games.