-- Advertisements --

Target ng Philippine Basketball Association (PBA) na ituloy ang 2021 Governors’ Cup sa unang linggo ng Pebrero.

Sinabi ni PBA Commissioner Willie Marcial, na ito ang naging resulta ng pagpupulong ng PBA board.

Hinihintay lamang aniya nila ang go-signal mula sa gobyerno at ilang mga local government unit para sa pagtutuloy ng mga exhibition games.

Bibigyan kasi ng PBA ang bawat koponan ng 10 araw na magkaroon ng exhibition games bago ang pagbabalik ng liga.

Magugunitang nakansela ang mga paglalaro ng PBA mula ng ilagay sa Alert Level 3 ang National Capital Region.