-- Advertisements --

Plano ng PBA na ituloy ang mga laro ng Governors Cup sa Pebrero 11.

Sinabi ni PBA Commissioner Willie Marcial, na magbabalik na ang mga laro matapos na ilagay ng Inter-Agency Task Force na ibalik sa Alert Level 2 sa National Capital Region.

Nakatakdang ipasakamay naman ang memorandum ni Marcial sa 12 koponan sa Pebrero 1.

Patuloy ang pakikpag-usap nila sa Smart Araneta Coliseum para doon gawin ang pagsisimula muli ng mga laro matapos ang ilang buwan na pahinga dahli sa COVID-19.

Huling nagsagawa ang PBA ng mga laro ay noong Disyembre 26 bago isagawa ang holiday break.