-- Advertisements --

Umikot na ang ilang mga local government unit sa mga operator ng pisonet para tiyakin na mahigpit na nasusunod ang nasabing health protocols.

May ilang pisonet operators kasi ang ginagamit ngayon ng mga estudyante mula ng magsimula ang blended learning o online class.

Ayon sa ilang mga LGU pinapayagan nila ang mga estudyante na magtungo sa ilang mga pisonet lalo na kung sila ay hirap sa intenet connection at walang kakayahan na makabili ng mga gadget.

Magugunitang maraming mga estudyante ang mga umaaray dahil sa hirap silang makahabol sa kanilang pag-aaral bunsod ng mabagal ng internet connection.