-- Advertisements --
Hinikayat ng Department of Health (DOH) ang mga local government units (LGU) na magtakda ng panuntunan sa mga nagsasagawa ng community pantry para maiwasan ang hawaan ng COVID-19.
Sinabi ni DOH Undersecretary Maria Rosario Vergeire, na mahalaga ang nasabing paglalagay ng panuntunan para hindi maging sanhi ang mga community pantry na hawaan ng COVID-19.
Hindi rin maiwasan ni Vergeire na purihin ang mga nakakaisip ng mga community pantry dahil nagibibgay ito ng kumpiyansa sa mga tao para sila ay tulungan.
Magugunitang naglipana ang nagsasagawa ng mga community pantry bilang tulong na rin sa mga mamamayan na nahihirapan ngayong COVID-19 pandemic.