-- Advertisements --

Patuloy ngayon ang isinagawang koordinasyon ng Office of Civil Defense para sa La Niña phenomenon sa bansa upang tiyakin at malaman kung may mga alalahanin pa ang mga lokal na pamahalaan at mga kinakailangang tulong para mabigyan ng solusyon.

Sa eksklusibong panayam ng Star Fm Cebu kay Office of Civil Defense spokesperson Direktor Edgar Posadas, kanyang sinabi na kailangan na pagsisiguruhin ng kanilang hanay ang kahandaan mula sa banta ng panganib sa kani-kanilang mga nasasakupan.

Panawagan pa ni Posadas sa mga local government units ng bansa na ihanda ang kanilang kritikal na pasilidad at serbisyo, i-optimize ang mga pondo, dagdagan ang kakayahan para sa logistical requirements ng food at non-food items.

Bagama’t ramdam pa rin umano ang epekto ng El Niño pero hindi magtagal ay mararanasan na aniya ang mas madalas at malakas na pag-ulan na maaaring sanhi ng mga pagbaha at pagguho ng lupa kaya dapat maging handa pa ang lahat.

Binigyang-diin pa nito ang kahalagahan ng pagtutulungan ng publiko upang itaguyod ang kahandaan at katatagan kung sakaling dumating ang isang sakuna.