Kinilala ng mga Local Government Unit ang mga huwaran nating kababayang nag-aalay ng dugo kasabay ng pagdiriwang sa Blood Donors Month ngayong Hulyo.
Ito ay alinsunod sa Presidential Proclamation No. 1021 at sa Implementing Rules and Regulations ng National Blood Service Act of 1994.
Binigyang pugay nila ang milyun-milyong mga donor ng dugo na siyang tumutulong upang makapagligtas ng buhay at mabigyan ng access ang mga Pilipinong walang kakayahang makakuha ng dekalidad na suplay ng dugo.
Habang nagsagawa rin ang mga lokal na pamahalaan ng mga aktibidad kagaya na lamang ng blood donation drive at iba’t ibang kampanya upang mapataas ang kamalayan ng mga Pilipino hinggil sa kahalagaan nito.
Layunin din nila na makapanghikayat pa na regular na mag donate ng dugo upang mas marami pa ang matulungan at madugtungan ang buhay.