Nagbigay ng paalala ang mga Local Government Unit hinggil sa mga hakbang na maaaring sundin ng Pilipino kasabay ng Dengue Awareness Month ngayong Hunyo.
Ang nasabing awareness month kasi ay ginugunita alinsunod Proclamation No. 1204 s. 1998 nilagdaan ni dating Pangulong Fidel V. Ramos.
Layunin nito na palawakin ang kamalayan ng publiko tungkol sa sakit na dengue, mga sintomas nito at ano dapat na gawain upang kaagad na maagapan ang pagkalat nito.
Dahil dito, pinayuhan din ng Local Government Unit ang kani-kanilang mga residente na panatilihing malinis ang kapaligiran, maging masinop at sirain ang mga posibleng pinamumugaran ng lamok, at kung sakaling makaramdam ng sintomas ay kaagad na sumangguni sa pinakamalapit na pagamutan.
Habang nakipagpulong naman ang iba’t ibang mga lokal na pamahalaan sa kanilang mga kawani upang makabuo ng mga programa at aktibidad upang matalakay ang kahalagahan at upang labanan ang naturang sakit.