-- Advertisements --

ILOILO CITY – Ipinayo ng mga local government unit (LGU) ang pag-monitor sa radyo kasabay ng pananalasa ng bagyong Odette.

Sa eksklusibong panayam ng Bombo Radyo Iloilo kay Iloilo City Mayor Jerry Trenas, sinabi nito na nararapat na makinig sa Bombo Radyo ang mga residente upang hindi mahuli sa mga update sa bagyo.

Ayon kay Trenas, maliban sa pagkain, mahalaga rin ang radyo at tiyakin na may baterya.

Sa ngayon, libo-libo na ang mga na-stranded sa iba’t-ibang pantalan sa Western Visayas kasunod ng pagkansela ng byahe ng mga sasakyang pandagat.

Libo-libo rin ang mga residente na inilikas sa Western Visayas lalo na ang mga nakatira sa coastal areas.