Nagpulong ang mga Local Government Unit kasama ang iba’t ibang mga Municipal at Provincial Disaster Risk Reduction and Management Council upang talakayin ang posibleng epekto ng Bagyong Aghon sa Pilipinas.
Binigyang diin nila dito ang kahagalagahan ng pagiging maagap nila sa pagtugon sa mga mapipinsala ng bagyo gayundin ang mga kasanayan na may kinalaman sa pagsagip sa buhay ng kanilang mga residente.
Naghanda rin ang mga ito ng safety tips sa pamamagitan ng barangay visitation at ang pagpo-post sa social media upang ipaabot ang mga hakbang na maaring gawain upang matiyak ang kanilang kaligtasan.
Bukod dito nakahanda na rin ang ilang mga kagamitan at rescue boats ng pamahalaan na gagamitin kung sakaling babahain at kakailanganin sa low-lying communities.
Layunin ng mga lokal na pamahalaan na mapaghandaan at masiguro ang kaligtasan ng kanilang komunidad kung kaya’t ibayong paalala at abiso rin ang kanilang ibinibigay.
Sa ngayon, patuloy ang isinasagawang monitoring ng kawani ng ahensya upang makapaghatid ng agarang responde sa kanilang mga nasasakupan.