-- Advertisements --

Handa ang ilang alkalde ng Metro Manila na isailalim sa mas mahigpit na quarantine protocols ang kani-kanilang mga lugar.

Ito ay basta mayroong ayudang ibabahagi ang gobyerno sa mga maapektuhang lugar.

Sinabi Metropolitan Manila Development Authority (MMDA) Chairman Benhur Abalos na ito ang naging resulta ng pagpupulong ng mga alkalde.

Dagdag pa nito na apat sa limang mga local government units ang nagsimula ng magpatupad ng circuit-breaker lockdowns para hindi kumalat pa ang Delta variant.

Ipinanukala nito na ang mahigpit na tracing at testing, ganon din ang isolation ang siyang mahalaga para tuluyang mapababa ang kaso ng COVID-19.

Samantala tiniyak din ni Department of Interior and Local Government (DILG) Secretary Eduardo Ano na nakahanda ang mga LGU sa iba’t ibang bansa para sakaling magkaroon ng surge ng COVID-19.

Sinabi pa ng kalihim na may mga ilang LGU na rin ang nagdagdag ng kanilang pasilidad at ang paghihigpit din ng pagbabantay sa mga lumalabag sa mga health protocols.