-- Advertisements --

ILOILO CITY – Positibo ang mga local government unit sa Western Visayas na pagbibigyan ng Inter-Agency Task Force for the Management of Emerging Infectious Diseases ang kanilang hiling na magpatupad ng moratorium sa lahat ng mga byahe mula sa NCR plus at Central Visayas.

Sa eksklusibong panayam ng Bombo Radyo Iloilo kay Iloilo City Mayor Jerry TreƱas, sinabi nito na napagkasunduan ng mga local chief executives sa rehiyon ang pansamantalang pagbabawal sa pag-uwi o pagpunta sa rehiyon ng mga galing sa NCR plus kung saan naitala ang pagtaas ng kaso ng COVID-19.

Ang Antique lang anya ang hindi sumang-ayon sa kanilang desisyon.

Nilinaw naman ng alkalde na papayagan pa rin na makapasok ang cargo at mga essential goods sa Western Visayas.