ILOILO CITY – Nagsagawa na ng preemptive evacuation ang mga local government unit (LGU) sa Western Visayas kasabay ng pananalasa ng Bagyo Odette.
Sa eksklusibong panayam ng Bombo Radyo Iloilo kay Iloilo City Mayor Jerry Trenas, sinabi nito na halos 20,000 mga residente sa lungsod na nakatira sa coastal areas ang inilikas.
Samantala sa bahagi naman ng Antique, sinabi ni Provincial Disaster Risk Reduction and Management Officer Mr. Broderick Train na ipinagutos na ni Governor Rhodora Cadiao ang pansamantalang pagkansela ng pasok sa opisina upang makapaghanda sa bagyo.
Sa Guimaras, bawal na rin anyang pumalaot ang mga mangingisda.
Naglabas na rin ng abiso ang Philippine Coast Guard na kanselado na rin ang lahat ng mga byahe ng sakayang pandagat sa buong Western Visayas.