Mahigpit na babantayan ng mga Metro Manila Mayors ang mga malls na kanilang nasasakupan kung naipapatupad pa ang mga health protocols.
Kasunod ito ng kautusan na ng Department of Trade and Industry (DTI) ng pagpapaluwag na sa mga mall operations.
Ilan sa mga alkalde ng LGU ay maglalagay ng mga inspectors na mag-iikot sa mga iba’t-ibang establishimento.
Nauna ng inaprubahan ng Inter-Agency Task Force (IATF) ang pagpayag sa 15-anyos at 65 anyos na lumabas sa kanilang bahay at magtungo sa mga malls.
Kasabay din nito ay naglabas ng pitong kautusan ang DTI gaya ng pagsusuot ng face masks, pagsuot ng face shields, pagbabawal ng pagkain ng mga pampublikong sasakyan, pagkumpol-kumpulan, pag disinfect, pag-isolate sa mga COVID-19 positives.
Ang nasabing pagpapaluwag sa mga malls ay ang pagpapaikli rin ng mga LGU ng mga curfew hours para mabigyan ng pagkakataon ang mga negosyante na makabangon.