-- Advertisements --
image 36

Hinimok ngayon ni Department of the Interior and Local Government (DILG) Secretary Benjamin ‘Benhur’ Abalos Jr. ang mga local government units (LGUs) na gamitin na ang kanilang P5.58-billion financial assistance para pondohan ang kanilang recovery process sa ilalim ng Local Government Support Fund-Financial Assistance (LGSF-FA) bago ang Setyembre. 30.

Ayon kay Abalos, ang kalamidad at mga sakuna raw ay reyalidad na lagi naman nating nararanasan taon-taon.

Patuloy naman daw ang pamahalaan na naghahanap ng paraan para maalalayan ang mga LGUs na sinalantan ng kalamidad sa pamamagitan ng Local Government Support Fund-Financial Assistance (LGSF-FA).

Sinabi ng DILG chief na ang mga LGUs na labis na naapektuhan ng weather disturbances at disasters ngayong 2022 ay dapat umanong samantalahin ang oportunidad at suporta na ino-offer sa ilalalim ng Local Government Support Fund-Financial Assistance (LGSF-FA) bilang dagdag sa kanilang budget resources at siguruhin ang smooth implementation ng kanilang mga proyekto.

Higit sa lahat ay maka-recover sa pinsalang dulot ng mga kalamidad.

Maganda rin daw itong pagkakataon para matulungan ang mga probinsiya, lungsod maging ng mga munisipalidad na patuloy na ring bumabangon dahil sa epekto ng Severe Tropical Storm “Florita” maging ang magnitude 7.0 na lindol na tumama sa Northern Luzon noong buwan ng Hulyo.

Ito raw ay tulong pinansiyal para sa mga LGU para sila ay makaagapay at makabawi sa pinsala na idinulot ng mga kalamidad sa kanilang lugar.

Binigyang diin din ni Abalos na ang bagong requests na isusumite pagkatapos ng Setyembre 30 ay otomatiko nang ibabalik sa mga requesting LGU na walang aksiyon dahil ieendorso agad ng departmento ang lahat ng eligible at compliant requests sa Department of Budget and Management (DBM) matapos ang deadline.

Sa nakalipas lamang na advisory, sinabi ng opisyal na ang Local Government Support Fund-Financial Assistance (LGSF-FA) na ang lahat ng interesadong LGUs ay kailangang maghanda at magsumite ng kanilang Special Budget Request (SBR) na pirmado ng local chief executive sa DILG kalakip ang mga supporting documents.

Kapag applicable, kailangan din umanong isumute pa ang certification na siyang nagpapatunay sa undisbursed balances mula 2016 hanggang 2020 kapag ang Local Government Support Fund-Financial Assistance (LGSF-FA) ay ibinalik na sa National Treasury.

Pinatitiyak din ng Abalos sa mga LGUs na kailangang iprayoridad ng mga ito ang sa mga programa at proyekto na may kaugnayan sa disaster response, rehabilitation at recovery.