Inanunsyo ni Palace Press Officer, USEc Atty. Claire Castro na pinayagan na ng Dept of Agriculture at Food Terminal Incorporated (FTI) na pwedeng utangin muna ng mga local government units (LGUs0 ang bigas ng National Food Authority (NFA).
Ayon kay Castro, binibigyan ang mga LGUs ng 1 buwan o 30 araw sa pagkakuha sa bigas at saka ito bayaran kapag nabenta.
Malaking tulong ang nasabing hakbang lalo na sa mga LGUs na walang pondo o pera na pambili ng NFA rice.
Naniniwala si Agriculture Secretary Francisco Tiu Laurel na ang nasabing hakbang ay isang paraan para mabilis na maipalabas ang NFA rice.
Gayunpaman, sinabi ni Castro na hindi pa naman nabanggit ng DA kung gaano karaming bigas ang pwedeng utangin ng isang LGU at kung papano ang magiging sistema sakaling kumuha pero pagsapit ng isang buwan, hindi lahat ng bigas ay nabenta.
Una ng inihayag ni NFA administrator Larry Lacson na bagaman nasa 70 LGUs ang naghayag ng interes na kumuha ng NFA rice, napakatumal ng pagpapalabas ng suplay dahil sa mabagal na proseso ng maraming LGUs, habang ang iba ay walang pondo.