-- Advertisements --

LA UNION – Kabuuang 250 participants mula sa mga LGUs at MENRO sa buong Rehiyon Uno ang nakibahagi sa isinagawang Solid Waste Management Summit sa Bauang, La Union na pinangunahan ng DENR-Environmental Management Bureau.

Sa naging panayam ng Bombo Radyo La Union kay Environmental Management Bureau – Region I Director Maria Dorica Naz-Hipe, sinabi niya na ito na ang ika-apat na ecological solid waste management summit sa Region One, at naging paunahing pandangal kahapon si DENR Undersecretary Benny Antiporda.

Ayon kay Hipe, ang naturang summit ay may layunin na ma-update ang lahat ng mga lokal na opisyal at kinauukulan hinggil sa mga batas na may kaugnayan sa ecological solid management act (Republic Act 9003).

Gayundin na maibahagi sa mga participants ang mga pinakabagong teknolohiya sa pagtatapon ng basura at best practices ng mga LGUs sa proper solid management para sa mas maayos na implementasyon ng mga batas sa solid waste management system.