-- Advertisements --

ILOILO CITY- Sa pambihirang pagkakataon, nagsama-sama ang mga lider ng anim na pangunahing relihiyon sa buong mundo sa isiniagawang seremonya kasabay ng World Youth Day sa Lisbon, Portugal.

Sa isang multifaith tree planting ceremony sa Tropical Botanical Garden of the University of Lisbon, nakibahagi ang mga kinatawan ng Islam, Budismo, Taoismo, Hudaismo, Hinduismo at Kristiyanismo.

Sumisimbolo ito sa pawagan ni His Holiness Pope Francis para sa pag-iingat sa kalikasan, pagkakaisa at kapayapaan sa pagitan ng mga relihiyon.

Ayon naman ni Fr. Louan Torrefranca, Chairman ng Commission on Youth ng Diocese of Bacolod na kabilang din sa Philippine delegation sa Portugal ang World Youth Day ay naging buhay na patotoo sa panampalataya sa Panginoon na walang pinipiling kulay ng balat o lahi,sapagkat ang pagmamahal ng Diyos ay para sa lahat.