-- Advertisements --

Hiniling ng ilang mga world leaders na dapat maging bukas sa lahat at libre ang bakuna sa coronavirus disease 2019 o COVID-19.

Kabilang kasi sina South African President Cyril Ramaphosa at Pakistani Prime Minister Imran Khan sa 140 na pumirma sa sulat na dapat ay maging patent free ang bakuna at ito ay ibahagi sa lahat ng bansa.

Isinumite ang nasabing sulat sa World Health Assembly ang policy-setting body ng United Nation’s World Health Organization.

Pag-uusapan ang nasabing sulat sa susunod na linggo.

Nakasaad sa sulat na sakaling makahanap na ng bakuna ay dapat maging abot-kaya ito sa lahat ng bansa.

Ginawa ang nasabing liham matapos ang pahayag ng pharmaceutical giant na Sanofi na kanilang irereserba ang unang shipment ng gamot sa coronavirus sa US.