Ikinagulat ng mga lider ng bansa ang pagkasawi ni Alexei Navalny habang ito ay nakakulong.
Sinabi ni United Nations Secretary-General Antonio Guterres na labis itong nagulat sa nasabing balita at inaasahan ang malalimang imbestgasyon.
Ayon naman kay Ukrainian President Volodymyr Zelensky na malinaw na kagagawan mismo ni Russian President Vladimir Putin ang pagpatay nito.
Tiniyak naman ng asawa ni Navalny na si Yulia Navalnaya na mararapat na mabigyan hustisya ang pagpatay sa asawa nito.
Sinabi naman ni Canadian Prime Minister Justin Trudeau na ang pagkamatay ni Navalny ay nagpapakita k ung gaano dapat ikatakot ang sistema ni Putin.
Sa panig naman ni US President Joe Biden na mahalaga na mapanagot ang mga opisyal ng Russia.
Giit pa nito na dahil sa insidente ay mararapat na mapondohan pa lalo ang Ukraine para tuluyang labanan ang Russia.