-- Advertisements --

CENTRAL MINDANAO – Lomobo pa ang bilang ng mga sibilyan na lumikas sa nagpapatuloy na calibrated law enforcement operation ng militar laban sa Bangsamoro Islamic Freedom Fighters (BIFF) sa lalawigan ng Maguindanao.

Halos domoble pa ang mga pamilya na lumikas nang maglunsad ng air to ground assault ang Joint Task Force Central.

Priority target ng militar ang mga radical leaders ng tatlong paksyon ng BIFF.

Palibot-libot lamang umano ng taguan ang BIFF sa SPMS Box at Liguasan Delta na patuloy na sinusuyod ng mga sundalo.

Binabantayan din ng mga pulis at sundalo ang ilang BIFF na humahalo sa mga sibilyan o kaya tumakas patungo sa mga karatig probinsya.

Maliban sa lomobong bilang ng mga lumikas, marami na rin ang nasawi sa BIFF at nasugatan.

Sa ngayon ay hinigpitan pa ng militar at pulisya ang seguridad sa Maguindanao.