BUTUAN CITY – SInampahan na ng patong-patong na kaso sina Jorgeto Santisas, ang nagpakilalang si Datu Adlaw na lider umano ng Federal Tribal Government of the Philippines o FTGP na netibong-Davao del Sur at Bae Lourdes Latraca Infante, nagpakilala namang tribal leader ng Surigao del Norte ug nakatira sa Purok-5, Barangay Sabang, Surigao City.
Ito’y dahil sa kanilang paglabag sa Revised Penal Code of the Philippines, partikular ang Article 155 o Alarm and Scandals at malibana pa sa kasong isinampa naman ng may-ari ng establisamientong kanilang isinara nitong Biernes, Enero a-24.
Una nang inihayag ni Datu Jimmy Guinsod sa Surigao Del Sur, na hindi lehitimo ang nasabing grupo at lalong hindi lehitimong mga indigenous peoples o IP leaders dahil wala silang rekord sa National Commission on Indigenous People o NCIP.