-- Advertisements --

Kinondina ng mga lider ng iba’t-ibang bansa ang naganap na assasination attempt laban kay dating US President Donald Trump.

Sinabi nina Prime Minister Justin Trudeau ng Canada, British Prime Minister Keir Starmer at German Chancellor Olaf Scholz na ang pag-atake ay isang panganib sa
demokrasya.

Dagdag pa nila na walang puwang sa pulitika ang nasabing pamamaril.

Kapwa nagpaabot na rin ng kanilang agarang paggaling kay Trump ang ilang mga lider ng bansa gaya nina Hungarian Prime Minister Viktor Orban , Mexican President Claudia Sheinbaum at si Indian Prime Minister Nahendra Modi.