Kumpiyansa ang mga lider ng Kamara de Representantes na magbebenepisyo ang ekonomiya ng Pilipinas sa nakatakdang trilateral summit bukas nina US President Joe Biden, Japanese Prime Minister Fumio Kishida, at Pangulong Ferdinand “Bongbong” R. Marcos Jr.
Ayon kay Senior Deputy Speaker at Pampanga 3rd District Representative Aurelio “Dong” Gonzales Jr na kanilang inaasahasan na magkasundo ang tatlong leaders na palawakin pa ang economic cooperations dahil malaking bagay ito para mapalago pa ang ekonomiya ng bansa kung saan magbubukas ito ng maraming oportunidad sa mga Filipino.
Sa panig naman ni House Majority Leader Manuel Jose “Mannix” M. Dalipe ang US at Japan ay ang mga biggest trading partners ng Pilipinas.
Para naman kay Deputy Speaker at Quezon Rep. David “Jay-jay” Suarez tulong sa sektor ng militar at pinansyal ang maaasahan ng Pilipinas mula sa Estados Unidos at Japan.
Bukod sa benepisyong pang-ekonomiya, sinabi nina Gonzales, Dalipe at Suarez na makatutulong din ang pagpupulong sa pagpapanatili ng kaayusan at kapayapaan sa Indo-Pacific region.
Ipinunto ng mga mambabatas na ang West Philippine Sea ay isang mahalagang pandaigdigang ruta ng kalakalan.
Kaya nararapat lamang panatilihin ang kapayapaan at freedom of navigation sa nasabing rehiyon.