BACOLOD CITY – Isusulong ang pagiging “king of the road” ng bisikleta o major mode of transportation bilang bahagi ng pagpasok sa new normal dulot ng Coronavirus disease 2019 (COVID-19) pandemic matapos nagtipon-tipon ang mga lider ng Philippine cycling na sina Le Tour de Filipinas president Donna Lina, race project manager Sunshine Joy Mendoza, PhilCycling director Jun Lomibao at chief of staff ni Lina na si Titus Reyes bilang suporta din sa lawmakers na sumasang ayon sa pag be-besikleta.
Sa panayam ng Star FM Bacolod kay PhilCycling director Jun Lomibao, malaking tulong aniya sa kanilang proyekto ang House Bill No. 174 nina Representatives Karlo Nograles and Jericho Jonas Nograles na nais makagawa ng local bikeways office at Senate Bill No. 1518 ni Sen. Pia Cayetano na layunin ang paglalagay ng bicycle lanes at pathways sa iba’t ibang lugar sa bansa na naumpisahan na sa Antipolo, Iloilo, Quezon City, Marikina at Pasig.
“Yong public transport is quite impossible to say safe, you can never say kasi invisible nga yong kalaban. Yong cycling, single riders, solo riders so it’s very safe,” ani Lomibao.
Nais din nilang maging bahagi ang Bombo Radyo Philippines upang marami ang mapaalam sa layunin at benepisyong maidudulot ng nasabing proyekto sa karamihan.
“Ang Bombo Radyo kasi may pinaka marami kayong stations sa buong Pilipinas, mas madaling e disseminate ang information,” dagdag nito.
Dagdag pa ni Lumibao na isa ang Bacolod City sa mga uunahin nila sa pamamagitan ng Bombo Radyo at Star FM Bacolod kung saan sila mismo ang kokonekta kasama ng mga professional cyclists ng Negros.