-- Advertisements --
Kruger park
Kruger park

Sa gilid na ng kalsada natutulog at malayang nakakagala ang ilang mga leon sa Kruger National Park sa South Africa.

Sinabi ni Park ranger Richard Sowry na dahil sa ipinatupad na lockdown bunsod ng coronavirus pandemic ay malayang nakakagala na ang nasabing mga hayop.

Mula pa kasi noong March 25 ay isinara na ang park dahil sa ipinatupad na lockdown.

Ang nasabing mga leon ay ordinaryong nakikita lamang sa kalsada tuwing gabi.