-- Advertisements --

Nagsimula na ang Social Security System sa pagbibigay ng kaukulang abiso sa kanilang mga miyembro.

Nilalaman nito ang payment notifications para sa kanilang salary o calamity loans.

Sa isang pahayag, sinabi ni SSS Senior Vice President for Lending and Asset Management Group Pedro Baoy, nagpadala ng abiso sa pamamagitan ng text messages sa kanilang mga miyembro.

Ayon kay Baoy, makakapag loan muli ang mga loan borrower sa oras na mabayaran nila ang kanilang utang.

Kaugnay nito ay hinikayat ni Baoy ang mga miyembro ng SSS na mag log in sa My.SSS account.

Sa ganitong paraan aniya ay malalaman na kaagad ang status ng loan ng mga loan borrower at makakaiwas rin sa mga penalidad.