-- Advertisements --

CAUAYAN CITY-Nagsagawa ng tree planting activity ng City Environment and Natural Resources Office katuwang ang 18 kandidata ng Mutya ng Santiago.

Sa naging panayam ng Bombo Radyo Cauayan, inihayag ni City ENRO Mario De Guzman na ang tree planting ay pakikisa sa Philippine Arbor Day.

Katuwang nila sa pagtatanim ng mga punong kahoy ang ilang kasapi ng Youth For the Environment and Schools Organization (YES-O) , ilang kawani ng CENRO at 18 Kandidata ng Mutya ng Santiago.

Pili lamang ang mga lumahok sa tree planting dahil nasa ilalim pa rin ng MECQ ang Lunsod ng Santiago at upang masunod pa rin ang Social Distancing.

Kabilang sa mga itinanim na puno ang mga fruit bearing trees tulad ng Rambutan, Bignay at fire tree na nasa 50 piraso.

Nagpapatuloy din mana anya ang kanilang tree lanting sa mga riverbanks o gilid ng ilog.

Binisita naman ng grupo ni CENRO De Guzman ang mga itinanim na mga puno noong nakaraang taon at laking tuwa nila dahil nakitang malalaki na ang mga punong naitanim noong nakaraang taon na Arbor Day.