-- Advertisements --

Dumalo ang iba’t-ibang local celebrities at mga malalapit na kaibigan sa burol ng beteranang actress na si Jacklyn Jose.

Matapos na maicremate nitong Lunes ng gabi ay isa-isang dumating ang mga kapwa artista sa burol nito sa Quezon City.

Ilan sa mga nagtungo ay ang mga beteranong actor na si Christopher De Leon, Vilma Santos, Rio Locsin, Lani Revilla, Senator Robin Padilla at maraming iba.

Ayon sa anak nito na si Andi Eigenmann na wala pang petsa ang inurment dahil sa may ilang kamag-anak pa silang hinihintay na dumating na galing sa ibang mga bansa.

Magugunitang nitong Sabado na pumanaw ang 60-anyos na actress matapos na atakihin sa puso.