ILOILO CITY – Nagpatawag ng pagpupulong si Iloilo Governor Arthur Defensor Jr., sa lahat ng mga municipal mayors sa Iloilo.
Ito ay kasunod na rin ng nangyaring pamamaslang sa mga local chief executive sa banwa kung saan ang pinakahuli ay ang pag-assasinate kay Negros Oriental Governor Roel Degamo at sa walong iba pang sibilyan sa loob ng kanyang compound sa Brgy. San Isidro, Pamplona, Negros Oriental.
Sa panayam ng Bombo Radyo kay Defensor, sinabi nito na isasagawa ang pagpupulong sa Casa Real, Old Iloilo Provincial Capitol bukas ng tanghali.
Ayon kay Defensor, magiging panauhing pandangal sa pagpupulong ang bagong upong director ng Iloilo Police Provincial Office na si Police Colonel Ronaldo Palomo.
Ilalatag rin anya ni Palomo ang peace and order situation, crime situation, accomplishments at programa ng Iloilo Police Provincial Office.
Maliban kay Paloma inaasahan rin ang pagdalo sa pagpupulong ni Police Regional Office 6 Director Police BGen. Leo Francisco.