-- Advertisements --
BUTUAN CITY – Activated na ang lahat ng mga Local Disaster Risk Reduction and Management Office (DRRMO) sa lalawigan ng Surigao del Sur dahil sa tropical depression Crising.
Sa ekslusibong panayam ng Bombo Radyo Butuan, sinabi ni Abel de Guzman, ang Chief ng Surigao del Sur-PDRRMO, na kahapon pa lang ay nagpalabas na ng kautusan si Governor Ayec Pementel sa lahat ng mga LGUs na maghanda para sa inaasahan pagtama ng bagyo.
Inabisuhan na rin ang lahat ng mga mangingisda na hindi na maglalayag dahil sa malalaking alon.
Sa ngayo’y manageable pa aniya ang sitwasyon ng probinsya bagamat nakakaranas ng panaka-nakang mga -ang ulan.
Samantala ,naka-alero na rin para sa pagtama ng bagyo ang mga bayan sa Agusan del Sur.