-- Advertisements --

LEGAZPI CITY – Sasampahan umano ng kaso at posible pang ma-disqualify sa papalapit na May 2019 polls ang mga opisyal na mapapatunayang sumusuporta sa New People’s Army (NPA).

Ito ang paalala ni 9th Infantry Division spokesperson Col. Paul Regencia sa panayam ng Bombo Radyo Legazpi, kung saan bina-validate na ang listahan ng mga opisyal na nagbibigay ng extortion money sa NPA.

Ayon kay Regencia, nasa limang lokal na opisyal na sa Albay at Camarines Sur ang nakumpirmang supporter ng rebelde na nakatakdang kausapin ng Department of Interior and Local Government (DILG) upang maimbestigahan.

Aminado ang opisyal na kailangan pa rin na maimbestigahan ang isyu lalo na sa posibilidad na napilitan lamang ang mga ito na magbigay ng pera sa mga rebelde.

Matatandaang una na ring sinabi ni DILG Sec. Eduardo Año na nasa 349 local officials sa ilang rehiyon ng bansa ang nagbibigay ng suporta sa mga rebelde.