-- Advertisements --

Naglabas ng kanilang saloobin ang local producers ng personal protective equipments sa gobyerno dahil sa proseso na isinagawa ng gobyerno sa pagbili ng mga medical supplies.

Ayon sa mga miyembro ng Coalition of Philippine Manufacturers of PPE at Confederation of Wearables Exporters of the Philippines na mas pinapaburan umano ng gobyerno ang mga negosyante na nasa ibang bansa.

Naimbitahan din ang grupo sa Senate Blue Ribbon Committee kung saan sinabi ni CMP executive director Rosette Carilo na tumugon lamang sila sa panawagan ng Department of Trade and Industry (DTI) na gumawa ng maraming PPE.

Nagpahayag na rin sila ng suporta sa pagpasa ng Senate Bill 1766 o ang proposed Pandemic Protection Act.

Layon ng nasabing panukalang batas ang paggawa ng mga local producers ng mga PPE para mabilis ang pagresponde ng gobyerno kapag mayroong mangyaring emergency.