-- Advertisements --

Nagsagawa ng mga benefit show ang ilang mga mang-aawit sa bansa bilang tulong sa country singer na si Socorro Avelino o kilala bilang si Coritha.

Kasalukuyang bedridden kasi ang singer matapos na matapos na ito ma-stroke.

Nanguna ang singer na si Cooky Chua na naglunsad ng benefit show.

Sa social media post ng Color It Red vocalist na isasagawa ang “Awit Para Kay Coritha” na isang benefit show sa araw ng Lunes, Agosto 5 sa My Brothers Mustache sa Hive Hotel.

Ilan sa mga naimbitahan na magtatanghal ay sina Bayang Barrios, MIke Villegas, Chikoy Pura, Lolita Carbon at maraming iba pa.

Bukod sa pinansiyal na tulong ay nangangailangan din ang singer ng mga adult diapers at adult milk.

Nakilala ang singer sa mga kanta nitong “Oras Na”, “Si Lolo Jose”, “Sierra Madre” at maraming iba pa.