-- Advertisements --
DILD EDUARDO ANO
DILG SEC ANO

KORONADAL CITY- Nagpalabas sa ngayon nga memorandum ang Department of Interior and Local Government o DILG na pinagbabawalan ang lahat ng Local Government Officials sa Pilipinas na magbigay ng business permit sa Kabus Padatuon o KAPA Community Ministry International Inc.

Ito ay kasunod ng mandato ni Pres Rodrigo Duterte na ipasara ang lahat ng operasyon ng KAPA ni Joel Apolinario dahil lumabag ito sa Securities Regulations Code ng Securities and Exchange Commission.

Nakasaad sa nasabing direktiba na pirmado ni DILG Sec Eduardo Año, pinagbabawal sa Municipal, City at Provincial Officials na mag-isyu ng Business permits sa KAPA at maging sa subsidaries at organisasyon nito.

Kailangan din umanong irevoke o ikansela ang existing permit ng KAPA dahil ito ay iligal.

Ito ay base na rin sa RA 7160 o ang Local Government Code of 1991 na ang city ang municipal mayors ang may kapangyarihan na mag-isyu, magsuspend at mag-revoke ng business permit dahilan na sila rin ang may posisyon upang tanggalin ito lalong lalo na kung mayroong paglabag sa batas.

Kung sino man ang hindi sumunod sa nasabing memorandum ay mahaharap sa kaukulang kaso.