Tinitingan ngayon ng Department of Justice ang mga posibleng maging criminal liability ng mga lokal na opisyal ng Bamban, Tarlac kaugnay sa ilegal na operasyon ng POGO hub sa naturang munisipalidad.
Kasunod ito ng binuong task force ang Department of the Interior and Local Government para imbestigahan ang mga lokal na opisyal ng Bamban Para panagutin ang mga ito sa mga posibleng adminstrative offenses kaugnay sa nasabing krimen.
Ayon kay Justice Undersecretary Nicky Ty, sa panig naman ng DOJ ay nakahanda na rin silang magsagawa ng imbestigasyon sa mga possible criminal liabilities gayundin Para sa posibleng pananagot ng mga lokal na opisyal at maging ang alkalde ng Bamban, Tarlac.
Kung maaalala, nitong buwan ng Marso ay nasa mahigit 800 Pilipino at foreign nationals ang nasagip ng mga otoridad sa isang Philippine Offshore Gaming Operator firm matapos ang ikinasang raid ng mga operatiba hinggil sa umano’y mga ilegal na aktibidad na kinasasangkutan nito kabilang na ang crypto at mga love scams.