CENTRAL MINDANAO-Sa kabila ng maulan na panahon hindi nagpapigil ang mga lolo at lola mula sa iba’t ibang bayan ng probinsya ng Cotabato na ipakita ang kanilang natatanging talento sa isinagawang Provincial Elderly Filipino Week 2022 Celebration.
Ayon kay President Roxas Sr. Citizen Federation President Erlinda Bactong, masaya sila dahil sa pambihirang pagkakataon ay muli silang nagkatipon upang ipagdiwang ang mahalagang selebrasyon na inihanda ng pamahalaang panlalawigan bilang pagkilala sa kontribusyon ng nakakatanda sa lipunan.
Personal namang nagpaabot ng kanyang pasasalamat si Governor Emmylou “Lala” TaliƱo Mendoza sa lahat ng mga dumalong senior citizens na ayon sa kanya ay pundasyon ng isang matatag na pamilya at komunidad.
Nagbigay din ang gobernadora ng tig Php3,000 para sa mga participating teams ng senior citizens ng bawat munisipyo, virgin coconut oil at 700 food packs na naglalaman ng 10 kilong bigas, canned goods at noodles. Ito ay maliban sa Php92,000 na inilaan ng probinsya para sa cash prizes sa iba’t ibang kompetisyon.
Ang aktibidad ay sinaksihan din ni Department of Social Welfare and Development Office Field Office XII Regional Director Loreto Cabaya, Board Members Joemar S. Cerebo, Ivy Dalumpines-Ballitoc at IP Mandatory Representative Timuey Arsenio M. Ampalid.
Tema ng pagdiriwang ng Elderly Filipino Celebration 2022: ” Older Persons: Resilience in Nation Building.