-- Advertisements --

KORONADAL CITY – Boluntaryong isinuko sa pulisya ng mga residente sa Brgy. Tubeng, bayan ng Tupi, South Cotabato ang kanilang mga hindi lisensiyadong baril.

Pinangunahan mismo ni Barangay Chairman Leonardo Pandat Jr. ang pagturn-over ng mga baril sa mga otoridad.

Ito ay kinabibilangan ng isang .38-caliber, isang homemade shot gun at tatlong jolen gun.

Nabatid na kabilang din sa mga isinuko ang dalawang Indian pana at isang patalim.

Sa ngayon, nasa kustodiya na ng Provincial Crime Laboratory Office ng South Cotabato ang nasabing mga armas para sa kaukulang pag-iingat.