CAGAYAN DE ORO CITY- Umaangal ngayon ang mga lotto operators sa Cagayan de Oro at Misamis Oriental dahil sa matumal na kita ng kanilang operasyon.
Ayon kay Astrid Bana, presidente ng Misamis Oriental-Cagayan de Oro Lotto Agents Association (Moclaa) bumaba ng 80 hanggang 90 porsento ang kanilang kita.
Itoy matapos silang pagbawalan ng Philippine Charity Sweepstakes Office (PCSO) sa pagbenta ng swertres lotto sa halagang P1.
Inihayag nito, na noong hindi pa sinuspinde ni Pres. Rodrigo Duterte ang lotto operations dahil sa umanoy talamak na korapsiyon, pwede silang makabenta ng ticket sa halagang P1 tulad ng Small Town Lottery, ngunit nang ma-lift na ang suspension, pinagbawalan na silang magbenta nito.
Naging dahilan umano ito sa paghina ng kanilang kita at pagsara ng maraming lotto outlets.
Kinompirma rin nito ang pagbalik umano ng STL at illegal swertres operations sa probinsiya.