-- Advertisements --

KORONADAL CITY – Nakaranas din ng pagbaha ang ilang mga bayan sa Maguindanao lalo na ang mga itinuturing na nasa “low lying areas” dulot ng walang humpay na pagbuhos ng ulan dala ng masamang panahon.

Ilan sa mga apektado ng baha ang mga bayan ng Pagalungan, Montawal at Dungguan sa nabanggit na lalawigan.

Ayon kay MDRRMO Benjamin Alip ng Pagalungan, Maguindanao sa kanilang bayan lamang nasa 12 barangay ang nalubo sa tubig baha kung saan umabot hanggang lampas tuhod taas ng tubig baha.

Samantala, sa bayan ng Montawal ay maraming pamilya din ang apektado lalo na ang mga barangay na nasa gilid lamang ng Liguasan Delta dahil sa mabilis nap ag-apaw ng tubig sanhi ng patuloy na pagbuhos ng malakas na ulan.

Ang nabanggit na mga bayan ay di kalayuan sa bayan ng Pikit sa North Cotabato na apektado rin ng baha.

Kaugnay nito, may ilang mga residente na ang nagpatayo ng tent sa mas mataas na lugar sa gilid ng National Highway sa Area ng Pagalungan upang maging ligtas sab aha.

Agad din na namigay ng relief packs ang local government unit ng nabanggit na mga bayan sa mga apektadong pamilya.

Sa ngayon, nananawagan ang mga opisyal na mag-ingat at manatiling vigilante sa patuloy na pag-ulan lalo na at may panibagong sama ng panahon na mararanasan sa darating na Lunes.