Ipinagmalaki ng Department of Social Welfare and Development (DSWD) na tumutulong ang ahensya sa mga locally stranded individuals (LSIs), lalo na sa mga nasa Metro Manila at katabing lugar.
Sa Laging Handa public forum, sinabi ni DSWD spokesperson Irene Dumlao na naglaan ng P5-milyon ang DSWD para tulungan ang mga LSIs.
Maliban sa cash aid, namimigay din ang ahensya ng food packs sa mga stranded na indibidwal bunsod ng lockdown.
Iginiit din ni Dumlao na umaasiste rin ang kagawaran sa lokal na pamahalaan sa profiling ng LSIs, bukod sa pagbibigay ng food at non-food items.
Nagbigay na ng cash assistance ang ahensya sa 300 LSIs sa Baclaran sa Parañaque City, at ngayong araw ng Sabado ay tinugunan ang pangangailangan ng 400 LSIs sa Calamba, Laguna.
Para naman sa pagpapatuloy sa mga stranded na indibidwal, sinabi ni Dumlao na ang concerned local governments na ang aayos sa problemang ito.