GENERAL SANTOS CITY – Nadagdagan pa ang mga lugar mula sa SOCCSKSARGEN na nagsuspende ng klase sa lahat ng antas ng mga pribado at pampublikong paaralan nitong araw.
Dahil ito sa kasalukuyang sitwasyon ng panahon at patuloy na pag-ulan dulot ng Trough ng LPA na maaaring magdulot ng pagbaha at pagguho ng lupa.
Batay sa inilabas na abiso ng Civil Defense Region XII – Soccsksargen, sa Cotabato Province ang mga lugar na nagdeklara na walang pasok ang mga paaralan mula sa Aleosan at sa Sultan Kudarat Province naman ay ang mga paaralan mula sa 12 Local Government Units.
Habang sa Sarangani Province at General Santos City, walang pasok ang lahat ng paaralan mula sa LGU Malungon ngayong araw.
Nabatid na kahapon, 14 na bayan sa Region 12 ang nagpatupad ng suspension of classes.
Ayon kay Office of Civil Defense-12 Regional Information Officer Jorie Mae Balmediano, nma patuloy ang monitoring at assessment
Nagpaalala ito sa lahat na maging mapagmatyag sa maaaring epekto ng masamang panahon.
Hinikayat nitong makipag-ugnayan sa mga Local Disaster Risk Reduction and Management Offices para sa mga anunsyo o abiso.