Dumami pa ang mga lugar na nasa ilalim ng tropical cyclone wind signal number one (1) dahil sa bagyong Enteng.
Kabilang na rito ang mga sumusunod:
Southeastern portion ng Cagayan (Baggao, Peñablanca), Eastern portion ng Isabela (Palanan, Dinapigue, Divilacan, San Agustin, San Guillermo, Jones, Echague, San Mariano, Maconacon, San Pablo, Cabagan, Tumauini, Ilagan City), Southern portion ng Quirino (Nagtipunan, Maddela), Northern portion ng Aurora (Dilasag, Casiguran, Dinalungan, Dipaculao, Baler), Polillo Islands, southern portion ng mainland Quezon (Tagkawayan, Guinayangan, Buenavista, San Narciso, Mulanay, San Andres, San Francisco, Lopez, Calauag, Catanauan, Gumaca, Macalelon, General Luna, Quezon, Alabat, Perez), Camarines Norte, Camarines Sur, Catanduanes, Albay, Sorsogon at Masbate kabilang na ang Ticao at Burias Islands.
Habang sa Visayas ay kasama rin sa babala ng bagyo bilang isa ang Northern Samar, Samar, Eastern Samar, Biliran at northeastern portion ng Leyte (Babatngon, San Miguel, Tacloban City, Alangalang, Santa Fe, Palo, Barugo).
Huling namataan ang tropical depression Enteng sa layong 100 km hilagang silangan ng Catarman, Northern Samar.
Kumikilos ito nang pakanluran sa bilis na 15 km/h.
May lakas ito ng hangin na 55 km/h malapit sa gitna at may pagbugsong 70 km/h.