Nadagdagan pa ng 28 lugar ang inilagay sa COVID-19 Alert Level 3 sa bansa.
Isinailalim ng Inter-agency task force on COVID-19 ang mga lugar sa Alert 3 simula Enero 14 hanggang 31 ang mga sumusunod na lugar:
Luzon: Benguet, Kalinga and Abra sa Cordillera Administrative Region, La Union, Ilocos Norte at Pangasinan sa Region 1, Nueva Vizcaya, Isabela at Quirino sa Region 2, Nueva Ecija at Tarlac sa Region 3, Quezon Province sa Region 4-A, Occidental Mindoro at Oriental Mindoro sa Region 4-B at ang Camarines Sur at Albay sa Region 5.
Visayas: Bacolod City, Aklan, Capiz at Antique sa Region 6, Cebu City at Mandaue City sa Region 7, Tacloban City sa Region 8.
Mindanao: Cagayan de Oro City sa Region 10, Davao City sa Region 11, Butuan City at Agusan del Sur sa CARAGA at Cotabato City sa BARMM.
Ayon kay acting presidential spokesman Karlo Nograles na ang mga lugar na wala sa listahan ay mananatili sa kanilang kasalukuyang alert status na kanilang tatalakayin sa mga susunod na araw kung may ilang mga pagbabago.
Nauna ng inilagay ang Metro Manila sa Alert Level 3 ng hanggang Enero 15.
Base sa Alert Level 3 status, ipinagbabawal ang face-to-face classes, contact sports, funfairs at casinos.
Ang mga sinehan ay papayagan lamang ng hanggang 30 percent indoor capacity at 50 percent sa outodoor capacity.
Papayagan din ang 30 percent indoor capacity pero sa mga fully vaccinated individuals sa mga amusement parks, recreational venues, religious gatherings, licensure exams, dine-in services, personal care services, fitness studios, non-contact sports, film, music at TV productions.