Inilagay ng Inter-Agency Task Force on Emerging Infectious Diseases (IATF) sa Alert Level 3 ang ilan pang mga lugar sa bansa dahil sa patuloy na pagtaas ng kaso ng COVID-19.
Sa ginawang “talk to the people” ni Pangulong Rodrigo Duterte nitong Huwebes ng gabi, sinabi ni acting Presidential Spokesman Karlo Nograles na magiging epektibo ang paglalagay ng Alert Level 3 sa dagdag na lubar ay mula Enero 9-15.
Kinabibilangan ito ng Dagupan City, Santiago City, Cagayan, Olongapo City, Angeles City, Bataan, Pampanga, Zambales, Naga City, Iloilo City, Lapu-Lapu City, Batangas, Lucena City at Baguio City.
Sa nasabing alert level ay pinagbabawal ang face-to-face classes, contact sports, funfairs at casinos.
Papayagan ang operasyon ng mga sinehan subalit hanggang 30 percent lamang sa indoor capacity at 50-percent outdoor capacity.
Ilang mga lugar na papayagan na mag-operate ng 30 percent pero para lamang sa mga fully-vaccinated individuals sa mga lugar gaya ng amusement parks, recreational venues, religious gatherings, licensure exams, dine-in services, personal care services, fitness studios, non-contact sports, film, music at TV productions.