-- Advertisements --

Bumaba na ang mga lugar na isinailalim sa Special Concern Lockdown sa Quezon City.
Batay sa datos na inilabas ng Quezon City government nasa ilalim ng Special Concern Lockdown Areas ang 37 na lugar sa lungsod dahil sa pagtaas ng bilang ng kaso ng COVID-19.

Partikular na lugar lamang ang sakop ng SCLA at hindi buong barangay.

Nuong nakaraang linggo umabot sa 55 na mga lugar sa siyudad ang isinailalim sa granular lockdown, pero dahil sa patuloy na pagbaba ng kaso nabawasan ang mga lugar na isinailalim sa lockdown.

Siniguro naman ni Quezon City Mayor Joy Belmonte, mamahagi ang lokal na pamahalaan ng food packs at essential kits para sa mga apektadong pamilya at sila ay sasailalim sa swab testing at mandatory 14-day quarantine.

Samantala, sa datos naman ng PNP Joint Task Force Covid Shield nasa 151 na lamang na mga lugar sa National Capital Region (NCR) ang isinailalim sa granular lockdown bumaba ito mula sa 186.

Ang 151 na mga lugar na nasa lockdown ay mula sa 108 barangays sa Metro Manila kabilang dito ang 108 na mga residentia houses, 13 residential buildings, 13 streets, 13 subdivisions, at tatlong residential building floors.

Upang matiyak na nasusunod ang minimum public health standards, nasa 546 PNP personnel at 619 force multipliers ang idineploy sa mga nasabing lugar.