-- Advertisements --

Bumaba sa 73 kahapon mula sa 88 noong Biyernes ang mga lugar sa Metro Manila na nasa ilalim ng granular lockdown.

Ayon sa PNP Joint Task Force Covid Shield, ang mga lugar na ito ay nasa 49 na barangays sa limang munisipalidad at siyudad na sakop ng limang Police Districts sa National Capital Region (NCR).

Pinakamarami ang sakop ng Eastern Police District (EPD) na may 37 lugar; Pangalawa ang Manila Police District (MPD) na may 19; at 17 naman sa Quezon City Police District (QCPD).

Binubuo ito ng 48 kabahayan, 16 na residential buildings; at 5 subdivison.
281 tauhan ng PNP at 179 na force multipliers ang nakadeploy sa mga lugar na ito.

Nasa 460 na mga Police personnel kasama ang force multipliers ang idineploy sa mga lockdown areas.